Monday, August 30, 2010

mY pRiDe

I won’t cry 
I’m telling you that I won’t cry
And even if I do 
It’s not because of you
I promise you that I won’t cry

I wonder why happiness 
Is the thing we said is lost
All my dreams and expectations 


turned into dust

So hurt and friendless 
I’m sad here on my own
And I’m afraid that I will miss you still
So I feel so alone

You can't hurt me anymore 
A line of tears from my eyes
This is over now forever 
And It's time to say good bye


Sunday, August 15, 2010

bj ocampo: a LOVE for ARTS. . . a PASSION for THEATER

bj ocampo: a LOVE for ARTS. . . a PASSION for THEATER

a LOVE for ARTS. . . a PASSION for THEATER



TEATRO defines ME. Itinuro nito kung paano maging isang si BJ. Kung paano maging isang BRYAN JAMES OCAMPO.
LONG Live POLIREP!!!! Long Live The ARTS!!!

Tuesday, August 10, 2010

the Burning Polirep Performance: an Eco-Friendly participation





Kasama sana ako dito eh! Huhuhu. Gusto ko rin makapagperform. kaya lang talaga. hindi na kinaya!

Pero all out yung support ko. Mula sa digicam na ginamit sa videos at pictures hanggang sa Pagiging audience at supporters ng Polirep Performers sa SM Megamall nung August 06, 2010.

Dinaluhan ng napakaraming universities. At Sining-Lahi Polirep bilang ito lang naman ang nagrepresent sa Polytechnic University of The Philippines. Gumawa namn ng isang applauded na performance!

Here's the video ng Rehearsal at clip ng Actual Performance. Longlive Polirep!!!

Monday, August 9, 2010

Awit ng Pag-ibig

Puso ko bakit ganito?
Hindi mapigilan,
hindi maiwasan.
Sa tuwing ika'y naiisip ko,
sumisigla at natutuwa.
Anong saya may kakaibang kaba.

Umiibig na yata ako
Di naman masabi ito
Hahayaan na lang ang puso
Kusang maipadama sa'yo

Kung saan-saan ako ay napadpad
Kung sinu-sino ang aking nasilayan
Ang tulad mo ay nag-iisa
Karikitang mahirap paniwalaan

Ang tulad mo ay pas-asa
sa puso kong nag-iisa
Bakit ba sa tuwina
Ikaw ang aking naalala.

Wednesday, August 4, 2010

Ang Pinakamasakit sa Lahat_Yung HINDI mo masabi-sabi

I can't say i'm in-Love. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung bakit.

Wla namang kailangang dahilan. Hindi ko alam kung anung dapat kong isipin. 2 ways to be happy:

1. Don't Assume/Expect
2. Just go with the flow

Ayokong mag-assume. Ayokong mag-expect dahil WALANG MALINAW! Hindi ko alam kung anong stand ko. kung may karapatan ba akong magselos o wala (Assuming).

Ang sarap isipin na may taong nagmamahal sa'yo. Ayokong mawala siya kasi masaya ako lalo na kapag kasama ko siya. Sa 2 nights naming magkasama akala ko mabibigyan linaw lahat. akala ko mas maiintindihan ko yung sitwasyon. yung mga pangyayari. Yung sarili ko.

Ginagalang Kita! Inirerespeto Kita! Nasa iyo lahat ng paggalang ko. Iba ka sa kanilang lahat. Mahal nga yata kita.

Loving simply means wanting the best for your Love more than yourself.

Mahirap ako magmahal kasi mahirap ako magtiwala. Ngayon, uso nang makipaglaro. Umiyak-In-Love. Inlove-Talo. Ayaw na ayaw kong napaglalaruan. Hindi sa takot akong masaktan. Takot akong mapagsamantalahan at mapag
laruan. Dahil kapag nagmahal ako. Love talaga. Ibibigay ko yung lahat. Kahit minsan sobrang tanga ko na. Kahit nagmumukha akong mahina. Masarap kasi sundin yung puso mo. Pero mas masarap tong sundin kung SECURED yung puso mo.

Yung kapag binigay mo to dun sa tao. Iingatan niya. Aalagaan niya. Dahil sobra akong mag-ingat nito. Sana hindi ko na lang ibinigay sa'yo kung sasaktan mo lang.

What will happen next. . Still. . wala akong pinanghahawakan. Walang dapat i-expect. Walang dapat ikaparanoid. Without your word. . I'm still me. Hindi muna ako dapat mahulog. only BJ and myself. :)

Saturday, March 1, 2008

Laki's MOnologue...

LAKI


LAKI: Ipagpalagay na tulad ng ibinabadya sa mga nalathalang obra nina Puncher at Wattman na may personal na Diyos quaquaquaqua na may puting balbas quaquaqua walang hanggan walang hugis na mula sa taluktok ng dakilang apatya/dakilang atambiya/ dakilang apasya ay nagmamahal sa atin nang puspusan/ maliban sa iilan gawa ng mga sanhing hindi alam bagaman mababatid balang araw at nagdurusang tulad ng diyosang si Miranda para sa mga taong gawa ng mga sanhing hindi alam bagaman mababatid baling araw nasasadlak sa pagpaparusa, nasasadlak sa apoyna may apoy na naglalagablab kung magpapatuloy at sino ang may alinlangan na pag-aalabin niyon ang kalangitan ang ibig sabihin pasasabugin ang impiyerno hanggang sa langit na bughaw tahimik at payapa dala ng payapang pauldut-uldot man ay mabut na sa wala ngunit huwag masyadong mabilis at kung iisiping bunga ng mga di-natapos na obrang pinararangalan ng Akakakakademya ng Antropopopometriya ng Esse-sa Posse nina Testew at Cunard itinatakda nang wala nang alinlangan wala nang ibang alinlangan maliban sa naakibat sa mga pagsisikap ng sinumang tao na bunga ng mga di-natapos na obra nina Testew at Cunard itinakda na magmula ngayon huwag masyadong mabilis dala ng mga sanhing walang may alam na bunga ng mga nalathalang obra nina Puncher at Wattman, itinakda nang wala nang alinlangan na kung isasaalang-alang ang mga pagsisikap nina Fartov at Belcher na di-natapos gawa ng mga sanhing walang may alam nina Testew at Cunard na di-natapos itinatakda ang ikinakaila ng marami na ang tao sa Posse nina Testew at Cunard na ang tao sa Esse na ang tao sa madaling sabi na ang tao sa isang salita sa kabila ng mga pag-unlad sa pagkain at pagbabawas ay nakikitang nangangayayat at nananamlay nangangayayat at nananamlay at kasabay niyon at magkasabay roon at bukod sa roon dala ng mga sanhing walang may alam sa kabila ng mga pag-unlad sa kulturang pangkatawan sa paglalaro ng palakasan tulad ng pagtetenis pagpuputbol pagtakbo pagbibisikleta paglangoy paglipad paglutang pagsakay pagsalimbay pagkukusa pagiiskeyting lahat ng uri ng tenis pagkamatay pagliliparan lahat ng uri ng palakasan tag-lagas tag-araw tag-lamig lahat ng uri ng tenis lahat ng uri ng hockey penisilin at succedanea sa isang salita magpapatuloy ako at kasabay niyon magkasabay doon dala ng mga sanhing walang may alam umiimpis at lumiliit sa kabila ng pagtetenis – pagpapatuloy ako paglipad pagsalimbay golf sa siyam at labing-walong butas lahat ng uri ng tenis sa isang salita dala ng mga sanhing walang may alam kina Fekham Pekham Fulham Clapham ang ibig sabihin kasabay niyon at magkasabay roon at bukod sa roon dala ng mga sanhing walang may alam bagaman mababatid balang araw umiimpis at lumiliit magpapatuloy ako kina Fulham Clapham sa isang salita ang dami ng nawawala tuwing may natotodas mula nang mamatay si Obispo Berkeley pumapatak sa isang pulgada apat na onsa bawat may matodas humigit kumulang sa pangkalahatan kung susumahin sa pinakamalapit na desimal sapat na sukat walang butal hubo’t hubad na nakamedyas ang paa sa Connemara sa isang salita dala ng mga sanhing walang may alam hindi bale ang mahalaga naririyan ang katotohanan at kung isasaalang-alang ang higit pa na higit pang malubha na ayos sa mga nawalang paliwanag nina Steinweg at Peterman lumilitaw ang higit pa na higit pang malubha nawalang paliwanag paliwanag paliwanag nina Steinweg at Peterman na sa mga kapatagan sa mga bulubundukin sa gilid ng karagatan sa pampang ng mga ilog na dinadaluyan ng tubig dinadaluyan ng apoy pareho lang ang hangin at saka ang lupa ang ibig sabihin ang hangin at saka ang lupa sa sukdulang ginaw sukdulang dilim ang hangin at ang lupang tahanan ng mga bato sa sukdulang araw naku naku sa taon ng kanilang Panginoon anim na raan at kung ilan ang hangin ang lupa ang dagat ang lupang tahanan ng mga bato sa ilalim ng mga kailaliman ang sukdulang ginaw sa dagat sa lupa sa hangin magpapatuloy ako dala ng mga sanhing walang may alam sa kabila ng tenis naririyan ang katotohanan bagaman mababatid baling araw magpapatuloy ako naku naku sige sige sa madaling sabi sa wakes sige sige tahanan ng mga bato sino ang makapag-aalinlangan magpapatuloy ako ngunit huwag masyadong mabilis magpapatuloy ako ang bungo umiimpis at nangangayayat at magkasabay roon at kasabay niyon at bukod sa roon dala ng mga sanhing walang may alam sa kabila ng tennis sige sige ang balbas ang apoy ang mga luha ang mga bato ang bughaw ang payapa naku naku sige sige ang balbas ang apoy ang mga luha ang mga bato ang bughaw ang payapa naku naku sige sige ang bungo ang bungo ang bungo ang bungo sa Connemara sa kabila ng tenis ang mga obrang pinabayaan hindi natapos higit pang malubha tahanan ng mga bato sa isang salita magpapatuloy ako naku naku pinabayaan hindi natapos higit pang malubha tahanan ng mga bato sa isang salita magpapatuloy ako naku naku pinabayaan hindi natapos ang bungo ang bungo sa Connemara sa kabila ng tenis ang bungo naku ang mga bato Cunard tenis…mga bato…ang payapa